Tuesday, February 21, 2012

Pinoy jokes #2




BOY: Doc, suktam man ti ngipen ti kalding ti ngipen ko.

DOC: Apay ngay? Haan nga mabalin barok. Apay nga ngipen ti kalding?

BOY: Nag-ngina gamin ti bagas sunga manganak lang ruot ten.

DOC: Kasjay? Ngipen laeng ti aso barok ti isukat ta.

BOY: Apay nga aso ngay doc?

DOC: Tapno takki lang kanimon!

***

Holdaper: Holdap to! Akina laman ng pitaka mo.

Biktima: Pasensya na po walang laman ang pitaka ko e.

Holdaper: Ganoon ba? Paano yan?

Biktima: Kung gusto niyo po kukuha muna ako sa bahay tapos balikan ko na lang kayo dito.

Holdaper: O sige. Aantayin na lang kita dito. Bumalik ka na lang pag may laman na yang pitaka mo. Buti na lang mabait ako.

***

Sa Bus...

Konduktor: Saan ka?

Papa Ken: Manong, sa Cubao lang. Sa Farmer.

Konduktor: Baka Farmer's?

Papa Ken: Farmer kuya. Isa lang eh, kaya walang "s".

Konduktor: ADIK!

Monday, February 20, 2012

Pinoy jokes #1


Isang pasyente ang nagpapacheck-up…

DOC: umubo ka!
PEDRO: ho! Ho! Ho!
DOC: ubo pa!
PEDRO: ho! Ho! Ho!
DOC: okay.
PEDRO: ano po ba sakit ko doc?
DOC: may ubo ka.

***

Si Erap nakabasag ng vase sa Museum, yung attendant nataranta.


ATTENDANT: naku sir, more than 500 years old na po yang vase.
ERAP: hay salamat. Akala ko bago!

***

A biker stops at a young girl who’s about to jump off a bridge.

He asked her, “Do you mind giving me a final kiss before the jump?”

She quietly accepted and gave him one of the deepest kisses ever.

When she’s finished, the man said, “Wow! That was the best kiss I ever had! That’s a real talent you are wasting. So why are you planning to commit suicide?”

The girl replied, “My parents don’t like me dressing up like a girl. By the way, my name is BRANDO.”

***

THE VOW

GIRL: Ui, friend, alam mo ba "The Vow"? Ang ganda!

BOY: Oo nga. Sabi nga nila. Kaso di ko pa ako nakarating do'n.

GIRL: Nakarating?

BOY: Oo. Andun pa nga yung Mt. Apo, di ba?

GIRL: Eh Davao naman yun eh!

TOINK!

Friday, February 17, 2012

Baliwta #1

BABAE… INIWAN ANG MISTER!

INIWAN NG ISANG GINANG ANG KANYANG MISTER KAMAKAILAN DAHIL SA MATINDING BISYO.

AYON SA GINANG HINDI NA NYA UMANO KAYANG TIISIN PA ANG MGA BISYO NG KANYANG MISTER TULAD NG PAGIGING LASENGGO NITO AT SUGAROL KAYA NAPAGPASYAHAN NITONG LAYASAN NA ANG KANYANG ASAWA.

NGUNIT TINANGKA PA UMANONG PIGILAN NG MISTER ANG PAGLAYAS NG KANYANG MISIS AT NAGBANTA PA ITONG MAGPAPAKAMATAY SA PAMAmAGITAN PAGLALASLAS NG KANYANG PULSO KUNG IIWANAN SYA NG KANYANG ASAWA.

PERO HINDI BUMIGAY ANG MISIS SA BANTANG ITO NG KANYANG MISTER. ITINULOY PA RIN NG MISIS ANG PAG-IWAN SA MISTER. KATWIRAN NG MISIS… DI NAMAN TALAGANG KAYANG ITULOY NG MISTER ANG TANGKA NITONG PAGLALASLAS NG PULSO DAHIL MAGPATULI NGA AY TAKOT ITO.


LALAKE NAGPAPAKO SA KRUS, KAMAY NAWASAK!

WASAK ANG KAMAY NG ISANG LALAKE MATAPOS ITONG MAGPAPAKO SA KRUS NITONG MAHAL NA ARAW.

KINILALA ANG LALAKE NA SI BOY BIYAK NA NAWASAK ANG KAMAY SA KAGUSTUHAN NITONG MAKAPAGPENITENSYA.

GUSTO UMANO NI BOY BIYAK NA MABAWASAN ANG KANYANG MGA KASALANAN KAYA SIYA NAGPAPAKO SA KRUS.

NGUNIT ITO DIN ANG NAGING SANHI NG MATINDING PAGKAKABUTAS NG KANYANG KAMAY AT AYON SA MGA DOKTOR AY MAHIHIRAPANG MAIBALIK SA DATING ITSURA ANG MGA KAMAY NG LALAKA.

LUMABAS SA IMBESTIGASYON NA KAYA PALA NAWASAK ANG KAMAY NI BOY BIYAK NANG ITO’Y IPAKO SA KRUS DAHIL ANG GINAMIT NA PAMPAKO SA KANYA AY TURNILYO.

Have a break. Have a joke.

Deadlines, Traffic, Kakulangan sa pera, super demanding na boss, nagger na girlfriend, iresponsableng boyfriend, at sa ano pamang nakapagbibigay ng stress sa’yo… have a break muna. Tumawa muna kaibigan.

Tayong mga Pilipino ay mahilig sa comedy. Anumang nakakapagpangiti, nakakapagpatawa sa atin ay siguradong patok. Mula sa mga programa sa radio, mga palabas sa TV o video sa You Tube, basta nakakatawa ay hit na hit yan.

Marahil kaya gustong-gusto nating mg pinoy na tumawa ay isa itong paraan ng escapism o panandaliang pagtakas sa mga problema natin everyday. Manood ka na lang ng balita. Araw-araw ang mga news items ay tungkol sa kahirapan, patayan, rape, at pulitikang sasakan ng baho at dumi. At kung didibdibin mo yung mga naririnig, nababasa, at napapanood mo sa balita, eh talagang mabuburyong ka. At yun nga ang isa ding nakakabilib sa ating mga pinoy—sa gitna ng mga negatibong isyu sa araw-araw, kaya pa rin nating tumawa. Lupet!

Kaya naman naisip ko na gawin ang blog na ito para naman makatulong din para maibsan ang stress natin. Ito ay compilation ng mga jokes at iba’t-iba pang kwelang mga bagay na nasagap at naisip ko.

Enjoy.