Saturday, September 15, 2012

MGA MABENTA KONG POSTS SA FB recently


Aaminin ko, may pagka-adik ako sa Facebook o FB. Hindi pwedeng hindi nakaopen ang computer na may internet connection nang din aka bukas ang fb. Kahit sa office nakasindi yung Facebook ko. Buti na lang di ako nahuhuli ng boss ko. Eh paano pag nakikita kong papalapit na siya sa akin, sabay switch ng window ko sa word. Busy-bisihan na gumagawa ng article kuno. Hehe. Well, PARA-PARAAN LANG YAN ika nga.

Gayon pa man, hindi ako mahilig mag post ng pictures, picture ng kinakain kong pagkain, picture ko na naka-DUCK FACE, picture ng kung anu-ano. Hindi rin ako masyadong nagpopost ng damdamin at activities ko sa social networking sites kasi naniniwala ako na the more people know things about you, the more they have power over you. Eh marami naman sa mga friends list sa Facebook eh hindi mo talagang kilala. Kaya kadalasan, share-share lang ako ng iba’t-ibang impormasyon na tingin ko eh dapat naman ikalat. O kaya mga jokes pampangiti ng makakabasa. Kadalasang pinopost ko na naman galling sa utak eh mga jokes tungkol sa mga bagay-bagay na naoobserbahan ko sa paligid.

Narito ang ilang post ko sa FB na bumenta naman kahit papaano sa mga friends ko:

May bagong palang palabas sa GMA 7-- "Aso ni San Roque". Malamang masusundan yan ng "Serbesa ni San Miguel", "Mga Lupain ni Sta. Lucia", "Corned Tuna ni San Marino", at "Karera ng mga Kabayo ni Sta. Ana".


NYAKK!!!

***

May nakita ako sa pader nakapinta "IBAGSAK ANG REHIMENG AQUINO". Naalala ko noon ako nakakakita din ako sa mga pader naka spray paint "RAMOS TUTA NG KANO IBAGSAK", "ERAP PAHIRAP IBAGSAK" , "IBAGSAK SI GLORIA". Naisip ko, dapat yung mga taong 'to ang kinukuha sa DEMOLITION TEAM.

***

Kung ang "good morning" sa tagalog ay "magandang umaga",

ang "good afternoon" naman ay "magandang hapon",

at ang "good evening" ay "magandang gabi"...


eh bakit ang "good bye" eh "paalam" lang. dapat "magandang paalam" di bey?


NYAKK!

***

Meeting with office manager and editor-in-chief at German Club sa Makati...


EIC: Sige order na tayo habang hinihintay natin si associate editor. Waiter, give me Beef Goulash and Sauerbraten.


Office Manager: Sa akin, Spaghetti "Bolognaise" with the traditional Meat Tomato Sauce. Saka German sausage.


Papa Ken: uhm one order of GERMAN MEASLES.


toink!


***

Sa CD-R King...


Papa Ken: Miss, meron ba kayong tindang Ooops?


Saleslady: Ano po yun sir?


Papa Ken: Yung Ooops. Yung kinakabit sa computer.


Saleslady: Anong oops yun sir?


Papa Ken: Yung saksakan ng computer. Yung Ooops! Yung pagnagbrown-out eh nagti-teeeet! Teeeet! ganun.


Saleslady: Ah sir, U.P.S.!


NYAKKK!


***

Sa isang job fair...


Papa Ken: Here's my application form.


Recruitment Officer: Mr. Ken, you missed this portion. (tinuturo yung "Salary Expected")


Papa Ken: Oh I'm sorry. (sinagutan ang salary expected portion)

Eto na po ma'am.


Recruitment Officer: (binasa ang form. Nakalagay...

"Salary Expected: YES OF COURSE!")


NYAKKK!


***

Para wala nang gulo... sige na nga... AKO NA ANG POGI!

Oh gulat kayo no?! :D


***

Ayos ba?

Maraming salamat sa mga nag-like ng mga ‘to. Next time magpopost pa ako.


No comments:

Post a Comment