AMPAIT!”
Nadamihan ko masyado yung nescafe na nailagay ko sa timpla
ko ng kape ngayong hapon dito sa office.
Ang gusto ko kasing timpla yung medyo mapait. Tapos may cream at konting
asukal. Pero this time, naparami masyado ang kape. Pero pwede na to!
Ito ang top one sa listahan ko ng pinaka-effective na pampagising
sa mga oras na nakakaantok lalo na yung after lunch (between 1:00 – 3:00pm).
Pangalawa sa listahan ay ang sampal sa mukha. Pangatlo ang Kurot sa dede. Try
mo din kaya minsan. Hehe.
Hindi naman talaga ako coffee lover. Madalas, nagkakape lang
ako pag kailangan ko. Panggising lang. Meron din kasing hindi magandang effect
ang coffee sa akin— minsan nararamdaman ko na najejerbs ako pagkatapos ko
uminom ng coffee. Mahirap na magkalat ng “lagim”… Lalo na dito sa opisina!
Maliban sa pagiging original na energy drink, ang isang
gusto ko pa sa kape ay ang pagkakaroon nito ng health benefits. Lalo na yung
kapeng barako. Sabi ng mga health researchers, meron daw itong compounds tulad
ng caffeine (na isang uri ng stimulant) at antioxidants na nakakatulong daw
pangontra cancer.
Malaki din ang tulong ng kape sa career ko bilang isang writer.
As far as I remember, mga college ako nagsimula magkape. Well, nung high school
at elementary nagkakape din ako pero mas prefer ko ang Milo, but now it’s the
other way around na. Pag nagkakape kasi ako, parang nag-iiba ng takbo ang utak
ko. Kung baga sa takbo ng kotse, napupunta sa turbo! Kaya naman ang sarap magsulat pag naka-tira ako ng kape.
Gaya ng ginagawa ko ngayon. Kakakape ko lang kaya nakapagsusulat ako.
I have to go back to work na! Sulat uli ng article habang
hinihigop tong mapait kong kupe!!!