Monday, November 26, 2012

Kupe Time!


AMPAIT!”

Nadamihan ko masyado yung nescafe na nailagay ko sa timpla ko ng kape ngayong hapon  dito sa office. Ang gusto ko kasing timpla yung medyo mapait. Tapos may cream at konting asukal. Pero this time, naparami masyado ang kape. Pero pwede na to!
 
Ito ang top one sa listahan ko ng pinaka-effective na pampagising sa mga oras na nakakaantok lalo na yung after lunch (between 1:00 – 3:00pm). Pangalawa sa listahan ay ang sampal sa mukha. Pangatlo ang Kurot sa dede. Try mo din kaya minsan. Hehe.

Hindi naman talaga ako coffee lover. Madalas, nagkakape lang ako pag kailangan ko. Panggising lang. Meron din kasing hindi magandang effect ang coffee sa akin— minsan nararamdaman ko na najejerbs ako pagkatapos ko uminom ng coffee. Mahirap na magkalat ng “lagim”… Lalo na dito sa opisina!  

Maliban sa pagiging original na energy drink, ang isang gusto ko pa sa kape ay ang pagkakaroon nito ng health benefits. Lalo na yung kapeng barako. Sabi ng mga health researchers, meron daw itong compounds tulad ng caffeine (na isang uri ng stimulant) at antioxidants na nakakatulong daw pangontra cancer.

Malaki din ang tulong ng kape sa career ko bilang isang writer. As far as I remember, mga college ako nagsimula magkape. Well, nung high school at elementary nagkakape din ako pero mas prefer ko ang Milo, but now it’s the other way around na. Pag nagkakape kasi ako, parang nag-iiba ng takbo ang utak ko. Kung baga sa takbo ng kotse, napupunta sa turbo! Kaya naman ang sarap magsulat pag naka-tira ako ng kape. Gaya ng ginagawa ko ngayon. Kakakape ko lang kaya nakapagsusulat ako.

I have to go back to work na! Sulat uli ng article habang hinihigop tong mapait kong kupe!!!

No comments:

Post a Comment