Pauwi ako sa bahay. Napansin ko na madilim ang paligid. Walang liwanag mula sa mga signboards at mga poste. Liwanag lang ng mga headlights ng mga sasakyan. Pagtawid ko ng kalsada, nakita ko inaayos ang poste ng kuryente ng Meralco. "Nako po, mukhang magdamag tong brown out ah", nasabi ko sa sarili ko.
For the first time sa loob ng four months sa bago naming apartment, nagbrown out ng matagal. Nagsimula mga 11pm at bumalik around 6am kinabukasan. Buti na lang malamig ang panahon kaya nakatulog naman ako (na may kasamang hilik) ng maayus-ayos. Yun nga lang may mga lamok na aaligid-aligid. Pero mukhang nakisama naman sila at di nila ako pinapak.
Habang nakahiga, at nakatunganga sa kadiliman sa loob ng aking silid, naisip ko, na may maganda din naman palang naidudulot ang brownout. Naalala ko yung mga pagkahaba-habang mga brown out noong bata pa ako (panahon ni Pres. Cory at Pres. Ramos) kung kailan gabi-gabi ay umaabot ng 6-10 oras ang haba ng brown-out noon dahil sa power crisis na nangyayari sa bansa noon. Pag brownout, siyempre walang tv, walang libangan, nagsasama-sama kami ng tatay, nanay, kapatid kong babae, mga tito at yung yaya namin noon na si Inday sa terrace ng apartment namin noon sa project 8 at doon nililibang namin ang aming mga sarili sa mga iba't-ibang kwento (horror o comedy), pagtingin sa mga stars at eroplano sa himpapawid, at pagkanta. Sa madali't sabi, nagkakaroon ng bonding moment ang pamilya namin noon pag brownout. Pag may kuryente kasi, tutok sa TV lahat.
Naisip ko din, kaya din siguro mas maganda ang bond ng mga pamilya noong panahon ng mga magulang at mga lolo't lola natin dahil sa wala silang TV, cellphone, internet, PSP, at iba pang technology na nakaka-divert ng attensyon ng bawa't family member. Noon nililibang nila ang isa't-isa sa piling ng isa't-isa. May oras para makapag-usapusap ang magkakapamilya sa bahay.
At pagkatapos na maisip ko ang mga bagay na ito, naisip ko na kailangan ko na palang matulog dahil mag a-ala una na ng madaling araw at may pasok pa ako sa opisina! NYAKK!
No comments:
Post a Comment