Saturday, February 23, 2013

Right reason to write


Yehehey!!!

Kahapon habang nasa jeep ako papunta sa opisina naisip ko, "Bilang editorial assistant sa magazine na pinagtatrabahuhan ko, isa akong writer. Pero bakit ata di ako masyadong nagsusulat sa blog ko?" Hehe. Isa lang ang dahilan kung bakit ganun-- TINATAMAD AKO MAGSULAT! Siguro, lately, ang naging motivator ko para makapagsulat ay ang pera. Mas ganado ako magsulat kung pagkakakitaan ko ito. Marahil dala yun ng pagiging praktikal o sadyang ganun talaga pag tumatanda ang isang tao na para bagang nababawasan yung energy mo na gawin ang mga bagay na kinagigiliwan mong gawin lalo na kung di ka naman kikita dito. Pero kailangangan nang baguhin ko ang ganitong pananaw sa aking sarili.  So, this weekend, sinamantala ko ang day-off ko para makapag-isip at makapagsulat. Hindi ko ito gagawin para sa pera-- gagawin ko ito kasi gusto ko ito, para na rin maimprove pa ang sarili ko at para makatulong o makapaglibang sa readers kahit papaano. Sabi nga ng motto ng school paper namin nung college na Primer, "Write to express, not to impress".

No comments:

Post a Comment