Thursday, May 30, 2013

My Fail Moment

Hindi lahat ng pangarap kailangan tuparin. Minsan, meron ding mithiing dapat ibasura.

Noon pangarap ko maging isang basketball player. Kung hindi nyo naitatanong, mala Bal David ang moves ko sa court noon (pero ngayon Ben David na. OH HINDEEEEH!). Kasi payat pa ako noon kaya kayang-kaya pa tumakbo ng mabilis lalo na pag fastbreak. Kaya naman noong first year high school, nag-try out ako para sa SBP-Pasarelle basketball varsity team ng Angelicum College. Pangarap ko kasi maging isang basketball player. Iba kasi ang dating pag varsity-- astig at mataas ang pogi points sa mga chikababes sa campus. Nangangarap nga ako noon na tinitiliian ako ng mga crush (Note: "mga crushes". Halatang may pagka-"mahilig" na ako eversince ) ko sa school habang naglalaro sa hardcourt. Nyaha!

Pinilit ko kayanin ang mga maka-lawit dila na mga drills--  250 push ups, 500 sit ups, 250 jumps, 2-K jogging 3x a week sa loob ng isang buwan. May time pa nga noon na halos hindi ko na masalo yung bola kasi nagdidilim na yung paningin ko sa sobrang pagod. Pero di ako sumuko. Tuloy pa rin ako. Sige lang sa pag-abot sa pangarap. "Quitters never win", sabi kasi. Walang atrasan!

Hanggang sa dumating yung araw ng selection. Umaasa talaga ako noon na makukuha ako. Tinawag yung top 12. Wala ako. Tapos sinabi nung coach na kukuha pa ng limang dagdag na reserve players. Nabuhayan ang loob ko noon na baka sakaling maka singit ako. Tinawag yung una... pangalawa... pangatlo... pang-apat... at nung yung pang lima na... tumingin sa akin yung coach. Sabi ko sa loob ko "Kunin mo ako!" Pero napatingin sya dun sa bandang likod. At pinili nya yung isang mas matangkad kaysa sa akin. Sa madaling sabi, NGANGA ako. Epic Fail.

Masama ang loob ko noon pero hindi naman ganoon kabigat. Pagkatapos noon, sinabi ko sa sarili ko na hindi siguro para sa akin ang career sa basketball. Una, pandak ako Ok lang sana kung kasing galing ako ni Johnny Abarrientos pero, sabi, ko nga, Bal David ang skills ko noon. At mas maraming championships si Johnny kay Bal.  Pangalawa, lumala ang hika ko. Nagawa ko naman na tanggapin yun kabiguan na yun.

Pag naaalala ko yun, naiisip ko na sa buhay, napakahalaga din na alamin mo kung dapat mo pa bang ipagpatuloy o dapat mo na bang itigil ang isang bagay. May kailangan iwanan tayo na para makapagmove-on. Kailangan i-consider mo ang realidad, pagiging praktikal, at maaring maging kahihinatnan ng gagawin mo. At kung napagpasyahan mo na itigil na, wag kang mag-alala dahil siguradong may panibagong oportunidad na kapalit naman yun. Wika nga nila, "When a door closes, a window opens". Hindi komo nag-quit ka na, eh talunan ka. Ganun talaga ang buhay eh-- di lahat panalo. Pwedeng loser siguro sa aspekto na yun, pero hindi sa kabuuan ng buhay. Kasi malawak ang buhay. Maraming oportunidad na dumarating. Kaya di dapat nawawalan agad ng pag-asa. Nabigo man ako sa pag-abot ko sa pangarap na maging basketball star, natupad ko naman yung pangarap ko na maging isang DJ. Panalo na din! May mga chicks din eh! Nyakk! Joke lang. At hindi na big deal ang height kasi di naman ako nakikita ng mga tao. Yun yon eh!

Ang pag abot sa pangarap ay parang pagdiskarte sa chikababes na gusto mo. Kailangan ng tiyagaconsistency, at matinding effort. Gaya ng chikababe na nambabasted, sa pagabot sa pangarap ay nasusupalpal ka din kung minsan. Pero try mo lang ng try. At kung ayaw talaga, kelangan mo nang bitawan para makapag-move on.

Nagpatuloy pa rin ako maglaro ng basketball noon at sumali sa basketball games sa Intrams pero sa school na yun na nilipatan ko. Kaso ang problema naman, konti lang ang oras na binibigay sa akin sa mga games. Eh paano, sila-silang magbabarkada na ka-team mates ko ang mas babad sa court. Mga ungas na yun!!!



Tuesday, May 7, 2013

Swabeng Bigote


"Ako si Mr. Suave
OOhhh grabe
Habulin ng babae
Araw man o gabe"

-Parokya ni Edgar, "Mr Suave"


Leonardo Da Vinci ito at
 hindi si Santa Claus
To shave or not to shave? Kung tatanungin ang mga kababaihan, mas maganda kung wag na lang. Dagdag pogi points yan.

Lumabas sa isang pag-aaral ng mga researchers sa University of South Wales, mas macho, mas agressibo at mas protective ang dating mga lalakeng may bigote't balbas. Ayon sanaturang pagaaral na mas may dating sa mga bebot ang mga lalakeng may 10-day-old beards at yung may mga malalagong balbas ay "better and more protective fathers" ang dating sa kanila.

Kung sabagay, kung iisipin, sa loob ng napakahabang panahon, ang bigote at balbas ay naging symboliko nga ng kadakilaan, kaangasan, at kamachohan.  Maraming mga dakilang tao at karakter na bigotilyo at balbas sarado ang naging tanyag. Yung iba tintitilian pa ng mga bebot-- mula kay Leonardo Da Vinci,  Albert Einstein, hanggang kay Pacquito Diaz, Val Sotto, Hulk Hogan, David Cook, Tony Stark at Super Mario.


Si Albert Einstein humihingi ng ice cream
Iba din naman talaga ang dating kapag may balbas sarado. Nakaka-mature. Ako nga nagpapatubo na ng balbas kasi madalas ay napagkakamalan akong totoy. Napansin ko yun na kung wala akong balbas, ang tawag sa akin ng mga tindera't drayber ay "boy" at kung balbas sarado naman ako, tinatawag akong "ser". Napansin ko din na mas natatamaan ako ng tingin ng mga chikababes sa mall kapag may balbas ako. Malamang eh nama-macho-han sila sa kin. O di kaya, natatawa sila sa tubo ng balbas ko o siguro... naaalarma sila dahil mukha akong manyak!
Hulk Hogan katatapos lang maglaba
David Cook (kamukha ko daw? Nyak!)

Super Mario: ang dakilang tubero

Pacquito Diaz: kilabot ang bigote

Val Sotto:  D' Original Mr. Suave