Tuesday, May 7, 2013

Swabeng Bigote


"Ako si Mr. Suave
OOhhh grabe
Habulin ng babae
Araw man o gabe"

-Parokya ni Edgar, "Mr Suave"


Leonardo Da Vinci ito at
 hindi si Santa Claus
To shave or not to shave? Kung tatanungin ang mga kababaihan, mas maganda kung wag na lang. Dagdag pogi points yan.

Lumabas sa isang pag-aaral ng mga researchers sa University of South Wales, mas macho, mas agressibo at mas protective ang dating mga lalakeng may bigote't balbas. Ayon sanaturang pagaaral na mas may dating sa mga bebot ang mga lalakeng may 10-day-old beards at yung may mga malalagong balbas ay "better and more protective fathers" ang dating sa kanila.

Kung sabagay, kung iisipin, sa loob ng napakahabang panahon, ang bigote at balbas ay naging symboliko nga ng kadakilaan, kaangasan, at kamachohan.  Maraming mga dakilang tao at karakter na bigotilyo at balbas sarado ang naging tanyag. Yung iba tintitilian pa ng mga bebot-- mula kay Leonardo Da Vinci,  Albert Einstein, hanggang kay Pacquito Diaz, Val Sotto, Hulk Hogan, David Cook, Tony Stark at Super Mario.


Si Albert Einstein humihingi ng ice cream
Iba din naman talaga ang dating kapag may balbas sarado. Nakaka-mature. Ako nga nagpapatubo na ng balbas kasi madalas ay napagkakamalan akong totoy. Napansin ko yun na kung wala akong balbas, ang tawag sa akin ng mga tindera't drayber ay "boy" at kung balbas sarado naman ako, tinatawag akong "ser". Napansin ko din na mas natatamaan ako ng tingin ng mga chikababes sa mall kapag may balbas ako. Malamang eh nama-macho-han sila sa kin. O di kaya, natatawa sila sa tubo ng balbas ko o siguro... naaalarma sila dahil mukha akong manyak!
Hulk Hogan katatapos lang maglaba
David Cook (kamukha ko daw? Nyak!)

Super Mario: ang dakilang tubero

Pacquito Diaz: kilabot ang bigote

Val Sotto:  D' Original Mr. Suave



No comments:

Post a Comment