Tuesday, June 4, 2013

Back to Iskul JOKES



Pasukan nanaman. Bilang isang estudyante, gigising ka nanaman ng maaga, makakaharap mo nanaman ang mukha ng mga terror na teachers mo, at sasakit nanaman ang ulo mo sa mga exams at quizzes. Pero ok lang yan kasi, at least, magkaka-allowance ka nanaman, makakasama mo ang tropa mo sa school, at makikita mo nanaman si crush. HEHEYYY!!!

Bagong school year, bagong pagkakataon para mapakita mo ang worth mo. Bagong pagkakataon din ito para makabawi sa mga magulang mo na nagbabanat ng buto at muscles para sa pang-tuition mo at para sa baon mo na pinangdo-DOTA mo lang naman. Nyehe. Kaya dapat this time pagsikapan mo na maging plantsado at walang  palakol o pulang marka sa classcard mo ngayong taon na ito para naman maging sulit ang efforts ng iyong mga magulang. Wag ka munang lumandi. Makuntento ka na muna sa "happy crush" na relationship status.

Sa susunod, magse-share ako ng ilang advice na pwedeng makatulong para gumanda-ganda ang performance mo sa school. Sa susunod na lang kasi first week pa lang naman ng classes ngayon. Wala pa masyadong ginagawa sa school.

Eto Top 5 Back to Iskul Jokes muna tayo!!!!


JOKE # 5

"Past Tense"

Teacher:  Juan, find the wrong word in these sentence and make it in the past tense. 
"Maria CATCH a butterfly."

Juan: I know the answer ma'am. Maria catch a BUTTERFLEW!

JOKE # 4

"Period"

Teacher:  Pedro, bakit mahalaga period?

Pedro: Ma'am mahalaga po ang period kasi nung natuklasan ng nanay at tatay ko na hindi dumating ang "period" ni ate, umiyak po sila sa sama ng loob eh.

JOKE # 3

"Homework"

Teacher:  Sa karamihan ng mali nitong homework mo, palagay ko hindi lang isa ang may kagagawan nito. Tama ba ako, Jinggoy?

Jinggoy:  Opo, ma'am. Tinulungan po ako ng TATAY ko!

JOKE #2

"Last farewell"

Teacher:  Juanito, kanino nagpaalam si Jose Rizal bago siya namatay?

Juanito: Ma'am kay Huling po.

Teacher: Huling? Sinong Huling?

Juanito: Kasi ma'am, bago siya namatay,sinulat nya "Huling Paalam".

JOKE # 1

"Dakilang Lumpo"

Teacher:  Jimmy, sino ang Pambansang Bayani ng Pilipinas?

Jimmy:  Ma'am, si Jose Rizal po.

Teacher:  Tama!  Ikaw Jeff, sino naman ang tinaguriang Supremo ng Katipunan?

Jeff:  Ma'am, si Andres Bonifacio po.

Teacher:  Very good. Eh ikaw Tikoy, sino naman ang bayaning tinaguriang "Dakilang Lumpo"

Tikoy: Ma'am kilala ko po yan... yan po SI GREGORIO DEL PILAY!




NYAKKK!



No comments:

Post a Comment