Friday, February 14, 2014

JOKES OF THE DAY


JOKE # 5

Sa clinic...

Pasyente:  Doc, ano po ba ang sakit ko?

Doctor:  Mayroon kang dalawang sakit.  Ang una mong sakit ay cancer.

Pasyente: Eh ano naman po yung pangalawa?

Doctor: Magiging makakalimutin ka.

Pasyente:  Hayyy salamat, mabuti na lang at wala akong cancer!

***

JOKE # 4

Sa isang opisina...

Pedro:  Bossing, benta ko sa'yo itong cell phone ko.

Boss:  Magkano ba yan?

Pedro: 30,000 pesos lang naman.

Boss: Ang mahal naman nyan eh lumang modelo na yan at camera lang ang feature nyan ah.

Pedro:  Oo nga boss pero unique itong cell phone na 'to.

Boss: Bakit naman?

Pedro:  Kasi boss meron kang picture dito na may kayakap ka na ibang chicks! Ibenta ko na lang kaya ito sa misis nyo?

Boss:  Ah eh huwag na. Ako na ang bibili nyan at walang pera yun.

***


JOKE # 3

May batang nagtitinda ng tapang usa...

Misis:  Boy, magkano yang tapang usa?

Bata: Isang libo po.

Misis:  Ang mahal naman. Pwede bang 500 na lang?

Bata:  Hindi po pwede. Sabi ni tatay dapat LIBO ang pera para yumaman ako.

Misis: Ahh. Ganun ba. Sige ganito na lang, bibilhin ko yung tapang usa mo ng KALAHATING LIBO.

Bata:  Sige po!!!


***

JOKE # 2

DEATH ROW

Warden:  Boy Tusok, patay ka na bukas. Bibitayin ka ng alas-singko ng umaga.

Boy Tusok:  BWAHAHAHAHA!

Warden:  Aba! Bakit naman nakuha mo pang tumawa eh bibitayin ka na?

Boy Tusok:  Alas nuebe kaya ako nagigising!

Warden:  NYAKKK!

***


JOKE # 1

Diskarte...


Boy:  Miss, di ba nursing student ka?

Girl:  Oo, bakit?

Boy:  Pwede mo bang pagalingin ang sugatan kong puso?

Girl:  'Di ba, engineering ang course mo?

Boy:  Oo, bakit?

Girl:  Eh di magaling ka sa math.

Boy:  Oo naman!

Girl:  Ganun naman pala eh. Pwes, SOLVE YOUR OWN PROBLEM!

Boy: (nganga!)



NYAKKK!

No comments:

Post a Comment