Waaah! Malapit na pala ako mag trenta anyos!
Ito ang narealize ko nitong katatapos ng birthday ko. 27 years old na pala ako. Tatlong taon na lang at buo ko na ang numero ng kalendaryo. Hehe. Pero thankful naman ako sa Dios kasi nadagdagan ng isang taon ang kaarawan ko sa lupang ibabaw. Kahit maraming pagsubok at stress, eh nakakaraos pa rin.
Pero sa isang banda, parang anxious o di ako ganoon ka-komportable na malaman na tumatanda na talaga ako. Sabagay dun naman papunta lahat ng tao. Lahat tayo tumatanda. Hindi maiiwasan ang madagdagan ang mga guhit sa mukha, makaramdam ng iba't-ibang sakit (sa kaso ko, medyo napapadalas na ang pagtaas ng blood pressure ko), tubuan ng uban o at numipis ang buhok. Hindi maiiwasan ang lahat ng yan maliban na lang kung mapaaga ang pagka-tepok mo.
Nakaka-anxious ang pagtanda lalo na kapag alam mo sa sarili mo na marami ka pang gustong gawin sa buhay mo. Mga pangarap na gusto mong maabot para sa sarili mo na habang may lakas ka pa eh sana makamtan mo na. Alam mo yung feeling na sinasabi nila, "Time is not on your side" kasi habang tumatanda ka, bukod sa nagbabago ang takbo ng katawan mo, eh nagbabago ang sitwasyon mo sa buhay—mas lumalaki ang responsibilidad mo. Ang nangyayari, may mga mithiin ka na pagiisipan mo nang mabuti kung dapat mo pang ipagpatuloy o isang tabi na dahil mukhang hindi na uubra sa magiging schedule ng takbo ng buhay mo.
Sa isip ko, marami pa akong gustong gawin pa sa buhay: kumuha ng master's degree, maging broadcaster uli, makapagsulat uli, mag-aral ng photoshop, magnegosyo, etc. Pagmagisa ako marami akong naiisip na gusto kong gawin. Pero ngayon eh nakalimutan ko naman. Napaghahalata tuloy na tumatanda. Poor memory-- Sign of aging! Tsk tsk.
Sabi ng classmate ko nung highschool na si Jen sa pagbati nya sa akin nung birthday ko sa text, "Age is just a number". Tama din siya. Katawan lang ang tumatanda pero yun inner man mo, hindi. As long na meron yung will mo na magawa mo ang isang bagay, magagawa mo yun. Sabi nga, if there's a will, there's a big time. Will time Bigtime! Nyek! Korni joke no. Ang seryoso, "If there's a will, there's a way". Kaya tuloy lang ako sa pag-abot sa mga pangarap ko. Dagdag na taon sa edad means pagkakataon para mabuhay. Kaya kelangan sulitin itong panibagong simula ng yugtong ito at sisimulan ko yan sa pamamagitan ng pagiging aktibo ng blog na ito.
No comments:
Post a Comment