Thursday, August 23, 2012

JOKES!


Eto na nga! Let's have a good time muna with these jokes. Masyado na kasing nakakunot ang kilay mo te!

 

Sa isang bar…
Girl Pangit: Isang halik mo lang at mapapasayo na ako ng buong-buo!

Boy: Ok. Thanks for the warning.

 

***
Ang aplikante

Juan: Magaaply po sana ako ng trabaho.
Manager: Ok. Anong pangalan mo?
Juan: Juan po
Manager: Dating trabaho?
Juan: Tricycle driver po.
Manager: Single?
Juan: May sidecar po yun. Tricycle nga po.

 

***
Mga klase ng babae

HIPON: Maganda ang katawan pero pangit ang mukha.
 (Kain katawan tapon ulo.)
LOLLIPOP: Maganda mukha pero pangit katawan.
 (Kain ulo tapon katawan.)
ICE CREAM: Total package! (KAIN LAHAT!)

 

***
KIDNAP

TAMBAY: Tsk! Tsk! May Chinese businessman nanaman ang kinidnap.

TINDERA: Oo nga. Ano sa palagay mo bakit puro Chinese ang kinikidnap?

TAMBAY: Isipin mo na lang manang, kasi pag Bumbay ang kikidnapin, ang pagbabayad ng ransom magiging HULUGAN!

TINDERA: NYEK!

***
HOLDAPAN SA JEEP

GIRL: Hoy! mandurukot ka no! Bakit hawak mo yang pitaka ko?

BOY: Hindi ako mandurukot no! Hihingi lang ako ng picture mo.

GIRL: Ah ganun ba. Ok. Alin ba ryan?

BOY:  Eto oh, yung kay NINOY! Pahingi ako apat na copies ha!

No comments:

Post a Comment