Friday, September 7, 2012

Lalake pitong beses tinamaan ng kidlat, buhay pa rin!


Ang kidlat ay nagtataglay kuryenteng aabot sa mahigit one hundred million volts ang lakas. Kaya malamang, sino mang tamaan nito ay matutusta. Pero kakaiba ang bagsik ni Roy Cleveland Sullivan, isang U.S. park ranger sa Shenandoah National Park, Virginia dahil not once, not twice, not thrice kundi makapitong beses siyang tinamaan ng kidlat sa tanang buhay nya at himalang nakaligtas siya sa lahat ng mga yun.

Strike one: nangyari noong 1942 nang sya ay nagtatago sa isang lookout tower . Tinamaan ng kidlat ang tore kaya tumakbo si Roy palayo ng tore ngunit sa pagtakbo nya ay nasapul sya ng kidlat. Nasunog ang binti nya at nabutas ang sapatos.

Strike two: Noong 1969 habang sya ay bumabyahe ay tinamaan ng kidlat ang minamaneho nyang truck at nawalan sya ng malay.

Strike three: 1970, habang si Sullivan ay nasa kanyang bakuran, tinamaan ng kidlat ang power transformer na malapit sa kanyang kinaroroonan na tumalbog papunta sa kanyang balikat.

Strike four: Nangyari noong 1972 nang siya ay nagtatrabaho sa isang ranger station, natamaan sya ng kidlat na sumunog sa kanyang buhok.

Strike five: 1973 habang siya ay nagpapatrol, nakakita si Roy ng storm cloud kaya naman agad siyang lumayo. Pero ayon sa kanyang kwento ay tila sinusundan sya nung ulap. Kaya nagtago muna siya sa kanyang truck. Nang akala nyang safe na sya, paglabas nya ng truck nya sinapul sya ng lightning bolt.

Strike six: 1976 nakakita nanaman si Roy ng ulap na parang sumusunod sa kanya. Tinakbuhan nya ito pero nakidlatan pa rin sya.

Strike seven: 1977 Habang siya ay nangingisda , tinamaan sya ng kidlat sa ulo na naglakbay pababa ng kanyang katawan.

Dahil sa kanyang angking bwenas sa (o mas dapat bang tawaging malas), naging sikat si Sullivan at naitala sa Guiness Book of World Records at binansagang “human lightning rod”.

Yun nga lang, kung gaano sya kaswerte sa lightning strikes eh ganon naman sya kamalas sa kanyang social life dahil madalas syang nilalayuan ng mga tao dahil sa takot nilang madamay kung sakaling tamaan sya ng kidlat. Kahit sa love life nya, minalas din si Roy. Binasted sya ng babaeng kanyang pinopormahan dahilan ng pagkakadepress nya at pagbabaril sa kanyang sarili na kanyang ikinamatay sa edad na 71.

No comments:

Post a Comment