Tuesday, September 18, 2012

Sarap na gusto ko






Kung meron mang sarap sa buhay na gusto kong matikman palagi (kasama na dun ang… alam mo na), ay ang sarap na dulot ng masahe.

Isa ang masahe sa mga bagay na nakapagpapasaya sa akin-- nakakatanggal ng stress, nakakarelax, at nakakapagpasigla. Ayon sa mga health research, may mga benepisyo naidudulot ang pagpapamasahe tulad ng napapaganda ang daloy ng dugo sa katawan, nakakapagparelax at nakakatanggal ng sakit ng mga muscles sa katawan, at, tulad ng nabanggit ko, nakakatanggal ng stress na nagbibigay ng sari-saring sakit tulad ng hypertension at cancer. Pangontra depression din daw ito.

Nung nasa Isabela pa ako, halos linggo-linggo nagpupunta ako sa barbero para magpamassage. Mura lang kasi ang masahe sa probinsya. Nung nandun pa ako, 40 pesos ang head massage, 80 pesos ang half-body massage, 160 pesos naman ang whole body. Meron din nagpupunta noon sa bahay na manghihilot, si Ate Tikya. 150 pesos binab

ayad ko sa kanya pagnagpapahilot ako sa kanya. Pero ok naman kasi natatanggal namana niya yung mga lamig sa likod saka sakit ng ulo ko. Madalas nakakatulugan ko sya habang hinihilot ako. Pero hindi sya umaalis. Hinihintay nya ako magising kasi di pa ako nagbabayad!
Dito sa Manila, nagpapamasahe din ako. Gustong-gusto ko dun sa mga blind masseurs. Masarap yung masahe nila kasi madiin. Gusto ko yung medyo hard massage kasi. At mura pa kumpara sa mga spa center na nasa 200 pataas ang presyo ng massage services. Sa mga bulag, 80 pesos half-body for 20 minutes ang pinakamababa. Sakto lang sa budget ko. Di ko pa na-try sa mga spa pero siguro masarap… lalo na kung seksing babae yung masahista! PATAY TAYO JAN!

Akala ko noon natural na sa mga bulag ang pagiging mahusay sa pagmamasahe kasi nga magaling sila sa kapaaan. Iba yung sense of touch nila. Pero hindi pala ganoon. Pinagaaralan din nila ang pagmamasahe. Narinig ko dun sa isang bulag na nagmamasahe sa massage parlor sa Farmer’s Plaza, isang taon ang pag-aaral nila sa pagmamasahe: nine months ang training nila plus three months na OJT.

Interesado din ako matuto ng mga iba’t-ibang massage techniques. Yung Shiatsu, Swedish, Reflexology at iba pa. Nagmamasahe din kasi ako. naalala ko, noong bata ako, masahista ako ng mga magulang ko. Bago sila matulog sa gabi, magpapamasahe sila ng ulo, likod, kamay, at paa sa akin (Kaya din siguro hindi masyadong lumaki ang mga kamay ko). Nung first year college, pinagkakitaan ko din yung konting skill ko sa pagmamasahe. Nagpapamasahe sa akin yung mga matatandang babaeng professor sa college of education. Binabayaran naman nila ako ng 50-100 pesos. Ok na rin pandagdag ko sa pamasahe at panglaro ng Playstation sa palengke.




Meron din isang experience na hindi ko malilimutan nung nagpamasahe ako minsan. College ako noon. Pumunta ako sa isang massage parlor sa Isabela. Napansin ko medyo madilim saka pula yung mga ilaw. Pagpasok ko may lalakeng sumalubong sa akin at pinaakyat ako sa second floor. Sabi pa nya noon “Ok dito ser. May mga bago din kami.” Sa isip ko, “Huh?” Tapos maya-maya tinuro nya sa akin yung isang mahabang bintana ng kwarto. Sumilip daw ako doon at pumili. Binuksan yung ilaw sa loob nung kwarto… meron palang mga nakahelerang baba
e doon sa loob. Pumili daw ako kung sino ang gusto kong magmasahe sa akin. Patay na. Napasubo na ako. Pero meron naman akong pera noon kaya tinuloy ko na. Sinamantala ko na. Andun na eh! Tinuro ko na yung babaeng seksi, chinita, at maputi. Sabi nung lalake, “Ok ser, bago yan”. Pinapunta na ako sa kwarto para hintayin yung magmamasahe. Madilim din yung kwarto—pula yung ilaw tapos may maliit na bilog na table, dalawang upuan, puting kama, at isang wall fan. May maliit na daga pa nga akong nakita eh. Pero bago ako pumasok, nag-spray muna ng pampabango sa kwarto yung lalake. “Pasok na kayo ser, nandyan na yung magmamasahe sayo”, sabi nung lalake. Umupo na ako sa upuan. Maya-maya, dumating na yung babae… Chubby at morena! Anak ng kamote! Iba dun sa tinuro ko! Pero di na ako nagreklamo. Tinanong ako nung lalake kung order ba ng drinks. Umorder ako ng dalawang pineapple juice na nakalata. Sabi ng lalake 150 pesos daw ang isa nun! Sabi ko sa isip ko, “Anak ng… Napasubo nanaman ako!” Pero inorder ko na din. Tig-isa kami nung babae. Umalis yung lalake para kumuha nung juice at bumalik agad. Tapos, sinara na nya yung pinto ng kwarto. Sabi nung babae humiga na daw ako sa kama. Pero na-sense ko na hindi yung inaasahan kong masahe ang gagawin nya sa akin kundi ibang klaseng “masahe”. May “extra service” pa nga ata na inaalok no’n. Sinabi ko na lang na hindi ako magpapamasahe. Ininterview ko na lang siya. Naikwento nya na hindi siya taga Isabela kundi taga Visayas. May anak sya doon at nagtatrabaho siya ng ganoong klaseng propesyon para may pang tustos sa bata. Di naman daw talaga gusto yung ganoong trabaho pero napipilitan lang siya para mabuhay silang mag-ina. Medyo naawa din ako sa babae na yun. Tinuruan ko pa nga siya ng masahe sa kamay. Tapos ng isang oras, lumabas na kami sa kwarto. Tapos pinuntahan ko yung lalake at siningil ako ng 500 pesos. Napasubo nanaman ako kasi ang pera kong dala noong 1000 pesos na pang allowance ko sana for two weeks pero nalagas sa isang gabi lang. Kamote talaga!

Monday, September 17, 2012

JOKES OF THE DAY!



Heto na nga!!!

Narito na ang top five jokes natin para sa araw na ito mga repapips!

JOKE # 5

Boy: Kung gagawa ako ng alak, pangalan mo ang ilalagay ko.

Girl: Bakit?
Boy: Ang lakas mong sumipa! Pero... SA PUSO ANG TAMA!

boom!
***

JOKE # 4

Girlfriend: Break na tayo. Kailangan ko magconcentrate sa studies ko.

Boyfriend: Siguraduhin mo lang na wala kang bagsak. Kundi..... tayo ulit!
***

JOKE # 3

"MISA"

Lolo: Apo, wag kang maingay. Nasa misa tayo.

Lola: Alam mo ba kung bakit di dapat maingay habang may misa?

Apo: Opo. Hindi dapat maingay sa misa kasi po Lola... MARAMING NATUTULOG!
***

JOKE #2

Sa husgado...

Abogado: Who stabbed you?

Biktima: Kung pwede your honor, Tagalog lang po ang tanong.

Huwes: Interpreter, translate the question.

Interpreter: SINO DAW SI TABYO?
***

JOKE # 1

Beth: Mare, alam mo, maraming lalaki ang magiging malungkot kapag nagpakasal ako.

Nora: Bakit mare, Ilang lalaki ba ang balak mong pakasalan?
***

:D hehey!

Saturday, September 15, 2012

MGA MABENTA KONG POSTS SA FB recently


Aaminin ko, may pagka-adik ako sa Facebook o FB. Hindi pwedeng hindi nakaopen ang computer na may internet connection nang din aka bukas ang fb. Kahit sa office nakasindi yung Facebook ko. Buti na lang di ako nahuhuli ng boss ko. Eh paano pag nakikita kong papalapit na siya sa akin, sabay switch ng window ko sa word. Busy-bisihan na gumagawa ng article kuno. Hehe. Well, PARA-PARAAN LANG YAN ika nga.

Gayon pa man, hindi ako mahilig mag post ng pictures, picture ng kinakain kong pagkain, picture ko na naka-DUCK FACE, picture ng kung anu-ano. Hindi rin ako masyadong nagpopost ng damdamin at activities ko sa social networking sites kasi naniniwala ako na the more people know things about you, the more they have power over you. Eh marami naman sa mga friends list sa Facebook eh hindi mo talagang kilala. Kaya kadalasan, share-share lang ako ng iba’t-ibang impormasyon na tingin ko eh dapat naman ikalat. O kaya mga jokes pampangiti ng makakabasa. Kadalasang pinopost ko na naman galling sa utak eh mga jokes tungkol sa mga bagay-bagay na naoobserbahan ko sa paligid.

Narito ang ilang post ko sa FB na bumenta naman kahit papaano sa mga friends ko:

May bagong palang palabas sa GMA 7-- "Aso ni San Roque". Malamang masusundan yan ng "Serbesa ni San Miguel", "Mga Lupain ni Sta. Lucia", "Corned Tuna ni San Marino", at "Karera ng mga Kabayo ni Sta. Ana".


NYAKK!!!

***

May nakita ako sa pader nakapinta "IBAGSAK ANG REHIMENG AQUINO". Naalala ko noon ako nakakakita din ako sa mga pader naka spray paint "RAMOS TUTA NG KANO IBAGSAK", "ERAP PAHIRAP IBAGSAK" , "IBAGSAK SI GLORIA". Naisip ko, dapat yung mga taong 'to ang kinukuha sa DEMOLITION TEAM.

***

Kung ang "good morning" sa tagalog ay "magandang umaga",

ang "good afternoon" naman ay "magandang hapon",

at ang "good evening" ay "magandang gabi"...


eh bakit ang "good bye" eh "paalam" lang. dapat "magandang paalam" di bey?


NYAKK!

***

Meeting with office manager and editor-in-chief at German Club sa Makati...


EIC: Sige order na tayo habang hinihintay natin si associate editor. Waiter, give me Beef Goulash and Sauerbraten.


Office Manager: Sa akin, Spaghetti "Bolognaise" with the traditional Meat Tomato Sauce. Saka German sausage.


Papa Ken: uhm one order of GERMAN MEASLES.


toink!


***

Sa CD-R King...


Papa Ken: Miss, meron ba kayong tindang Ooops?


Saleslady: Ano po yun sir?


Papa Ken: Yung Ooops. Yung kinakabit sa computer.


Saleslady: Anong oops yun sir?


Papa Ken: Yung saksakan ng computer. Yung Ooops! Yung pagnagbrown-out eh nagti-teeeet! Teeeet! ganun.


Saleslady: Ah sir, U.P.S.!


NYAKKK!


***

Sa isang job fair...


Papa Ken: Here's my application form.


Recruitment Officer: Mr. Ken, you missed this portion. (tinuturo yung "Salary Expected")


Papa Ken: Oh I'm sorry. (sinagutan ang salary expected portion)

Eto na po ma'am.


Recruitment Officer: (binasa ang form. Nakalagay...

"Salary Expected: YES OF COURSE!")


NYAKKK!


***

Para wala nang gulo... sige na nga... AKO NA ANG POGI!

Oh gulat kayo no?! :D


***

Ayos ba?

Maraming salamat sa mga nag-like ng mga ‘to. Next time magpopost pa ako.


Wednesday, September 12, 2012

BALIWTA!



JEEP RUMAGASA SA ISANG BOTIKA!


Rumagasa ang isang jeep sa Mercury Drug store sa Taft Avenue kagabi.


Ayon sa imbestigasyon, napagalaman na ang driver ng jeep ay "on drugs"-- tumalsik kasi siya sa

ibabaw ng MGA GAMOT!


Napagalaman din na ang naturang pangyayari ay nagdulot DRUG TRAFFIC.


Kaya payo ng otoridad sa mga motorista.... wag mag DRUG RACING!



NYAKKK!

Tuesday, September 11, 2012

BALIWTA!

ISANG BABAE, NINAKAWAN!

Ninakawan ang isang babae habang siya ay naglalakad papauwi sa kanyang bahay.

Ayon sa biktima, bigla umano siyang hinarang sabay ninakawan ng lalakeng suspek ng sya ay nasa gawing madilim na bahagi ng kalsada.

Ngunit imbis na mainis sa suspek, tuwang-tuwa pa ang biktima sa ginawa sa kanya ng suspek!

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, kaya daw masaya ang biktima sa pangyayari kasi siya pala at ninakawan-- ninakawan ng halik ni Dyegong Bagsik na kanyang crush!!!


NYAK!

Monday, September 10, 2012

JOKES OF THE DAY


TOP JOKES OF THE DAY

Joke #5

Teacher: Juan, Who is EMILIO JACINTO?

Boy: I don’t know, ma’am.

Teacher: Then, concentrate on your studies!

Boy: Ma’am do you know Jennifer Dela Cruz?

Teacher: I don’t know her.

Boy: Then, CONCENTRATE ON YOUR HUSBAND!

***

Joke # 4

The golden rule when choosing a menu in a restaurant:

“If you can’t pronounce it, YOU CAN’T AFFORD IT!”

***

Joke # 3

Karamihan sa babae ngayon…

Di kasing husay magluto ng nanay nila…

Pero…

Kasing husay uminom ng tatay nila!

Daig pa minsan!

Nyak!

***

Joke # 2

Juan: Ser, bilhin nyo na itong aso ko. Mura lang.

Buyer: Tapat ba sa amo yang asong yan?

Juan: Opo ser. Tatlong beses ko na ito benenta pero bumabalik pa rin sa akin!

***

JOKE # 1

TANONG: Ano ang tawag sa babaeng hindi nagger?

SAGOT: GUNI-GUNI!

Friday, September 7, 2012

Lalake pitong beses tinamaan ng kidlat, buhay pa rin!


Ang kidlat ay nagtataglay kuryenteng aabot sa mahigit one hundred million volts ang lakas. Kaya malamang, sino mang tamaan nito ay matutusta. Pero kakaiba ang bagsik ni Roy Cleveland Sullivan, isang U.S. park ranger sa Shenandoah National Park, Virginia dahil not once, not twice, not thrice kundi makapitong beses siyang tinamaan ng kidlat sa tanang buhay nya at himalang nakaligtas siya sa lahat ng mga yun.

Strike one: nangyari noong 1942 nang sya ay nagtatago sa isang lookout tower . Tinamaan ng kidlat ang tore kaya tumakbo si Roy palayo ng tore ngunit sa pagtakbo nya ay nasapul sya ng kidlat. Nasunog ang binti nya at nabutas ang sapatos.

Strike two: Noong 1969 habang sya ay bumabyahe ay tinamaan ng kidlat ang minamaneho nyang truck at nawalan sya ng malay.

Strike three: 1970, habang si Sullivan ay nasa kanyang bakuran, tinamaan ng kidlat ang power transformer na malapit sa kanyang kinaroroonan na tumalbog papunta sa kanyang balikat.

Strike four: Nangyari noong 1972 nang siya ay nagtatrabaho sa isang ranger station, natamaan sya ng kidlat na sumunog sa kanyang buhok.

Strike five: 1973 habang siya ay nagpapatrol, nakakita si Roy ng storm cloud kaya naman agad siyang lumayo. Pero ayon sa kanyang kwento ay tila sinusundan sya nung ulap. Kaya nagtago muna siya sa kanyang truck. Nang akala nyang safe na sya, paglabas nya ng truck nya sinapul sya ng lightning bolt.

Strike six: 1976 nakakita nanaman si Roy ng ulap na parang sumusunod sa kanya. Tinakbuhan nya ito pero nakidlatan pa rin sya.

Strike seven: 1977 Habang siya ay nangingisda , tinamaan sya ng kidlat sa ulo na naglakbay pababa ng kanyang katawan.

Dahil sa kanyang angking bwenas sa (o mas dapat bang tawaging malas), naging sikat si Sullivan at naitala sa Guiness Book of World Records at binansagang “human lightning rod”.

Yun nga lang, kung gaano sya kaswerte sa lightning strikes eh ganon naman sya kamalas sa kanyang social life dahil madalas syang nilalayuan ng mga tao dahil sa takot nilang madamay kung sakaling tamaan sya ng kidlat. Kahit sa love life nya, minalas din si Roy. Binasted sya ng babaeng kanyang pinopormahan dahilan ng pagkakadepress nya at pagbabaril sa kanyang sarili na kanyang ikinamatay sa edad na 71.